Mantra for 2008 31 December 2007
Posted by bornonacusp in Poetry.trackback
Desiderata
by Max Ehrmann
Go placidly amid the noise and haste,
and remember what peace there may be in silence.
As far as possible, without surrender, be on good terms with all persons.
Speak your truth quietly and clearly; and listen to others,
even to the dull and ignorant; they too have their story.
Avoid loud and aggressive persons; they are vexations to the spirit.
If you compare yourself with others, you may become vain or bitter,
for always there will be greater and lesser persons than yourself.
Enjoy your achievements as well as your plans.
Keep interested in your own career, however humble,
it’s a real possession in the changing fortunes of time.
Exercise caution in your business affairs, for the world is full of trickery.
But let this not blind you to what virtue there is;
many persons strive for high ideals, and everywhere life is full of heroism.
Be yourself.
Especially do not feign affection. Neither be cynical about love;
for in the face of all aridity and disenchantment,
it is as perennial as the grass.
Take kindly the counsel of the years,
gracefully surrendering the things of youth.
Nurture strength of spirit to shield you in sudden misfortune.
But do not distress yourself with dark imaginings.
Many fears are born of fatigue and loneliness.
Beyond a wholesome discipline, be gentle with yourself.
You are a child of the universe, no less than the trees and the stars;
you have a right to be here.
And whether or not it is clear to you,
no doubt the universe is unfolding as it should.
Therefore be at peace with God, whatever you conceive Him to be.
And whatever your labors and aspirations, in the noisy confusion of life,
keep peace in your soul.
With all its sham, drudgery and broken dreams, it is still a beautiful world.
Be cheerful.
Strive to be happy.
Desiderata (Salin ni Prof. Zeus A. Salazar)
Humayo kang panatag ang loob sa mundo ng ingay at kaabalahan,
at iyong tandaan anong kapayapaan ang madarama sa katahimikan.
Hangga’t maaari at walang pagsuko, makibagay ka sa lahat ng kapwa mo tao.
Tahimik at malinaw mong bigkasin ang sa iyo’y totoo; at ang iba’y pakinggan,
ang mapupurol man at walang nalalaman; sila rin ay may kani-kaniyang kasaysayan.
Maiingay at basagulero’y iyong iwasan; kayamutan lamang sila sa kalooban.
Kung ihahambing mo sa iba ang sarili,
baka yumabang ka lamang at ang loob mo’y sumama,
sapagkat palagian mong matatagpuan
ang mga taong hihigit at kukulang sa iyong katayuan.
lkalugod mo ang iyong mga tagumpay at gayundin ang mga balak.
Interes mo’y panatilihin sa iyong gawain, ito man ay hamak,
tunay itong kaangkinan sa panahon ng pabugsu-bugsong kapalaran.
Buong ingat mong asikasuhin ang iyong negosyo,
dahil puno ng panlilinlang ang ating mundo.
Gayunman, huwag mong ikabulag ito sa kabutihang naririyan din;
marami ang nagpupunyaging matamo ang matatayog na mithiin,
at sa lahat ng dako ang buhay ay lipos ng kabayanihan.
Maging ikaw ka.
Higit sa lahat, paggiliw ay huwag mong ipagkunwa.
Sa pag-ibig huwag ka ring maging mapangkutya;
sapagkat sa kabila ng katigangan ng puso’t napawing tiwala,
tulad ng damo siya’y habang panahong naririyan.
Payo ng mga taon tanggapin mong masuyo,
mga bagay ng kabataan magaan ang loob mong isuko.
Palakasin mo ang kalooban upang masangga ang biglang kasawian.
Huwag mong ikabahala ang mga agam-agam gayumpaman.
Maraming pangamba’y mula lamang sa pagod at kalungkutan.
Bukod sa kapaki-pakinabang na disiplina, sarili mo’y pagbigyan.
Isa kang anak ng sanlibutan, tulad ng mga tala at kakahuyan;
ang manatili rito ay iyong karapatan.
At malinaw sa iyo o hindi man,
walang alinlanga’t bumubukadkad nang dapat ang santinakpan.
Samakatuwid makipagkasundo ka sa Diyos, anuman Siya sa iyong isipan.
At anuman ang iyong gawain at hangarin, sa gulo’t ingay ng buhay,
panatilihin mong panatag ang loobin.
Sa kabila ng kanyang kahuwaran, paghihirap at mga bigong adhikain,
ito’y isa pa ring daigdig na maganda.
Maging masaya ka.
Sikapin mong lumigaya.
Comments»
No comments yet — be the first.